Mga pekeng impormasyon na ipinakakalat laban sa Bayanihan e-Konsulta ng OVP itinanggi ni VP Robredo
Dismayado si Vice President Leni Robredo sa ipinakakalat na fake news laban sa Bayanihan e-Konsulta ng Office of the Vice President.
Ayon kay Robredo, walang pinipiling serbisyuhan ang Bayanihan e-Konsulta at kahit sinong nangangailangan ay tinutugunan nito.
Hindi rin aniya totoo ang mga ipinakakalat sa social media na nangangalap lamang ng impormasyon ng mga botante ang Bayanihan e-Konsulta.
Ani Robredo, libu-libong pasyente na ang natulungan nito at mayroon na silang mahigit 1,000 volunteer doctors at mahigit 3,000 ang non medical volunteers.
Sa mga naninira, ipinayo ni Robredo na tumulong na lamang lalo ngayong matindi ang pangangailangan ng marami. (DDC)