Pilipinas nasa critical risk na dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19

Pilipinas nasa critical risk na dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19

Aminado si Health Secretary Francisco Duque III na nasa critical risk na ngayon ang Pilipinas dahil sa Omicron variant ng COVID-19.

Ito ay batay sa naging ulat ni Duque kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Talk to the People.

Sinabi ni Duque na sa kasalukuyang nasa critical risk case classification ang Pilipinas dahil may pagtaas na 690% ang kaso sa seven-day average of daily reporting cases.

Sinabi pa ni Duque na nalaglasan na ng Omicron ang Delta bilang dominant variant sa Pilipinas.

Base ito aniya sa genome sequencing kung saan 60 percent sa samples na nasuri ay positibo sa Omicron variant.

Sa pinakahuling talaan ng Department of Health, umabot sa 33,169 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala kahapon, January 10, 2022. (Faith Dela Cruz)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *