Central Office ng LTO sarado hanggang sa Biyernes, Jan. 14
Sarado pa rin hanggang sa Biyernes, January 14 ang central office ng Land Transportation Office o LTO at iba pang sangay nito.
Ayon sa abiso ng LTO, ito ay dahil kailangang sumailalim sa quarantine protocols ng mga nagpositibong LTO frontliners at kanilang mga naging close-contact.
Wala munang tatanggaping transaksyon sa LTO Compound sa East Avenue sa Quezon City.
Sarado din ang ilang mga tanggapan sa LTO NCR-East.
Paalala ng LTO, extended ang validity ng mga Student Permit, Driver’s License, Conductor’s License, at maging mga Medical Certificate na mag-eexpire sa mga susunod na buwan.
Ang mga mayroong expiration ngayong January 2022 ay extended hanggang March 31, 2022. (DDC)