Mahigit 20 Consular Office at Temporary Off-Site Passport Services ng DFA suspendido ang operasyon dahil sa dumaraming kaso ng COVID-19
Sinuspinde ang operasyon sa mahigit 30 Consular Office at Temporary Off-Site Passport Services ng Department of Foreign Affairs (DFA) dahil sa dumaraming staff na naapektuhan ng COVID-19.
Ang suspensyon ay simula ngayong araw, January 10 hanggang sa January 20, 2022.
Wala munang tatanggapin na passport o Apostille applications at wala din mulang isasagawang pag-relrease.
Narito ang mga apektadong COs at TOPS:
(Mula Jan. 10 hanggang 20)
– CO La Union (10-14 January)
– CO NCR East
– CO NCR North
– TOPS Robinsons Novaliches
(Mula Jan 12 hanggang 20)
– DFA Office of Consular Affairs sa Aseana Business Park, Paranaque City
– CO NCR Central
– CO NCR Northeast
– CO NCR South
– CO NCR West
– CO Antipolo
– CO Angeles
– CO Baguio
– CO Dasmarinas
– CO Iloilo
– CO Lucena
– CO Malolos
– CO San Pablo
– TOPS Newport Mall
– TOPS Robinsons Las Pinas
– TOPS Robinsons San Pedro Laguna
– TOPS SM Manila
– TOPS SM MOA
– TOPS SM North EDSA
Ang mga apektadong aplikante ay padadalhan ng email para sa kanilang bagong schedule. (DDC)