DOJ nagbawas ng bilang ng mga empleyado na papayagang mag-report sa trabaho
Nagbawas ng bilang ng mga empleyado na kailangang mag-report sa trabaho ang Department of Justice (DOJ) dahil sa pagsipang muli ng COVID-19 cases sa bansa.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, binawasa ang on-site workforce sa DOJ main offices sa 30 percent na lamang mula sa dating 60 percent, simula ngayong Lunes, Jan. 10 hanggang sa Jan. 15 o kung hanggang kailan kinakailangan.
Ayon sa kalihim nagsagawa na ng disinfection sa DOH premises nitong nagdaang weekend at regular din itong gagawin.
Idinagdag ni Guevarra na ang DOJ personnel na na-expose sa COVID-positive persons ay isinailalim na sa isolation.
Work-from-home at online transaction muna primary mode sa kagawaran sa pagbibigay ng serbisyo.
Sa datos mula sa ahensya umabot na sa 39 na COVID-19 cases ang naitala sa iba’t ibang DOJ offices sa buong bansa sa unang linggo ng 2022. (Infinite Radio Calbayog)