BREAKING: DOH nakapagtala ng 28,707 na bagong kaso ng COVID-19
Nakapagtala ng 28,707 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Panibagong record high ito mula nang magkaroon ng pandemya sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Linggo, Jan. 9 ay 2,965,447 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 2,785,182 ang gumaling o katumbas ng 93.9 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 2,579 na gumaling.
Sumampa na sa 128,114 ang aktibong kaso ng COVID-19 ng 4.3 percent.
Nasa 52,150 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.76 percent makaraang makapagtala ng 15 pang pumanaw. (DDC)