OPD ng Rizal Provincial Hospital System Antipolo Annex sarado muna sa publiko
Pansamantala munang isasara simula January 10 (Lunes) hanggang January 21, 2022 ang Out Patient Department (OPD) ng Rizal Provincial Hospital System Antipolo Annex.
Ito ay makaraang magpositibo sa COVID-19 ang marami sa mga medical at non-medical frontliners ng pagamutan.
Maari pa rin namang kumonsulta online sa mga sumusunod na telemedicine services ng mga ospital:
Mananatili namang bukas ang Emergency Room (ER) Department ng ospital para sa mga pangangailangang medikal ng mga residente. (DDC)