Sa ganap na pagsisimula ng election period, checkpoints inilatag na sa iba’t ibang panig ng bansa

Sa ganap na pagsisimula ng election period, checkpoints inilatag na sa iba’t ibang panig ng bansa

Nagsimula nang maglagay ng checkpoints sa iba’t ibang panig ng bansa sa pormal na pagsisimula ng 2022 election period araw ng Linggo, January 9.

Ayon kay Philippine National Police Chief General Dionardo Carlos, sa ilalim ng resolusyon ng Comelec bawat checkpoint ay dapat mayroong properly labeled signage para maabisuhan ang mga motorista.

Nakasulat dapat sa sign ang pangalan ng Chief of police sa nakasasakop na lugar.

At dapat ipwesto ito sa lugar na madaling makikita pero hidni naman makaaabala sa daloy ng traffic.

Ang mga pulis na nagmamando ng checkpoints ay dapat nakasuot ng uniporme.

Pinapaalalahanan ang mga motorista na hindi nila kailangang bumaba ng sasakyan para sa physical check because dahil ang inspeksyon sa bawat checkpoint ay gagawinlamang sa pamamagitan ng visual search.

Hindi rin dapat i-require na buksan ang glove compartment, trunk at mga bag.

Sa unang araw ng paglalatag ng Comelec checkpoints sinabi ni Carlos na wala namang naitalang major untoward incident sa buong bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *