Ilang debotong Black Nazarene nagkasya na lamang sa pagtanaw sa Quiapo Church
Hindi nagpapigil ang ilang deboto ng Itim na Nazareno na ituloy ang kanilang taunang debosyon ngayong kapistahan ng Black Nazarene.
Sarado ang palibot ng Quiapo Church at mahigpit na ipinagbabawal ang paglapit sa simbahan maging ang mga pagtitipon.
Dahil sa pandemya ng COVID-19 wala ring ginanap na Traslacion at ang oras-oras na misa sa loob ng Simbahan ay ginagawa maari lamang mapanood online.
Sa kabila nito, ilang deboto ng Itim na Nazareno ang naguto pa din sa Quiapo.
Kahit hindi makalapit, nagkasya na lamang sila sa pagtanaw sa simbahan.
Ang mga larawan ng ilang deboto ay ibinahagi ng Quiapo Church sa kanilang Facebook page.
Bantay sarado ng mga tauhan ng Manila Police District ang labas ng simbahan ng Quiapo.
Mayroon ding mga tauhan ng Bureau of Fire Protection at medics mula sa Philippine Red Cross. (DDC)