Isolation ng mga COVID-19 positive na healthcare workers iniksian sa limang araw ng DOH

Isolation ng mga COVID-19 positive na healthcare workers iniksian sa limang araw ng DOH

Iniksian ng Department of Health (DOH) ang araw ng isolation at quarantine ng mga nagpopositibong healthcare workers.

Sa inilabas na guidelines ng DOH ang Hospital Infection prevention and Control Committees at Provincial Health officers ay otorisado na ipatupad ang mas maiksing duration ng isolation at quarantine sa mga fully-vaccinated health workers.

Ito ay bilang konsiderasyon sa healthcare capacity ngayong dumarami na naman ang mga nagpapaospital.

Para sa mga positive cases na asymptomatic, mild at moderate cases, mula sampung araw ay limang araw na lamang ang kanilang isolation.

Para naman sa mga naging close contacts, hindi na nila kailangang mag-quarantine.

Ayon sa DOH, sa nasabing bagyong polisya ay sinunod ang CDC Interim Guidance for managing Healthcare Personnel. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *