Halaga ng pinsala sa agrikultura ng Typhoon Odette umakyat na sa P11.1B
Umabot na sa 11.1 billion pesos ang halaga ng pinsala ng Typhoon Odette sa mga pananim.
Batay sa update mula sa Department of Agriculture (DA), umabot sa mahigit 389,000 na mga magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ng bagyo.
Mahigit P2.6 billion ang halaga ng pananim na palay ang nasira, habang P431.7 million na halaga ng panamin na mais ang nawasak din.
Kabuuang 420,465 na ektarya ng mga pananim ang nasira.
Mayroon ding naapektuhang mahigit 1.6 million na alagang hayop gaya ng manok, swine, baka, kalabaw, kambing, bibe, tupa at kabayo na aabot sa P535.4 million ang halaga.
Naglaan na ang DA ng P1 billion na halaga sa ilalim ng kanilang Quick Response Fund para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar.
Namahagi na rin ng mga rice seeds, corn seeds, mga gulay at fingerlings sa mga naapektuhan. (DDC)