BREAKING: DOH nakapagtala ng 10,775 na bagong kaso ng COVID-19
Nakapagtala ng 10,775 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Miyerkules, Jan. 5 ay 2,871,745 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 2,780,109 ang gumaling o katumbas ng 96.8 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 605 na gumaling.
Sumampa na sa 39,974 ang aktibong kaso ng COVID-19 ng 1.4 percent.
Nasa 51,662 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.80 percent makaraang makapagtala ng 58 pang pumanaw. (DDC)