Bilang ng papayagang mabiling paracetamol pinalilimatahan ng DTI
Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na minamadali na ang pag-replenish sa suplay ng paracetaol sa mga drugstores.
Ayon sa DTI, dahil sa mataas na demand sa paracetamol, out of stock na ito sa mga retail branches.
Nakikipag-ugnayan na ang DTI sa mga drugstores at pharmacies na limitahan ang purchase quantity o ang bilang ng papayagang mabiling paracetamol.
Ito ay para maiwasan ang panic buying. (DDC)