Quiapo Church binawalang magdaos ng public masses sa pagdiriwang ng kapistahan ng Black Nazarene
Nagpalabas ng resolusyon ang National Task Force Against COVID-19 na nag-aatas sa pamunuan ng Quiapo Church na huwag magdaos ng misa sa pagdiriwang ng kapistahan ng Itim na Nazareno.
Sa resolusyon ng NTF, ipinagbawal din ang pagdaraos ng traslacion ngayong taon at iba pang kahalintulad na aktibidad.
Ang Quipo Church ay pinasasara simula sa January 7 hanggang January 9.
Lahat ng misa na idaraos ay ieere na lamang online.
Inatasan din ang Manila Police District (MPD) at ang Joint Task Force Coronavirus Shield na tiyakin ang pagkakaroon ng checkpoints at pagtatalaga ng mga tauhan para hindi makapagtipon ang mga deboto sa palibot ng Quiapo Church. (DDC)