Suplay ng paracetamol at iba pang gamot ng UNILAB nagkakaubusan na
Kinumpirma ng kumpanyang Unilab na out of stock ang ilang brand ng mga gamot sa ilang drugstores.
Ayon sa pahayag ng Unilab, ito ay dahil sa extraordinary demand sa mga gamot.
Humingi ng paumanhin ang Unilab sa publiko sa kakapusan ng suplay.
Tiniyak nitong nakikipag-ugnayan na sila sa kanialng partner drugstores at retailers para mapabilis ang pag-replenish ng mga gamot. (DDC)