OVP muling magsasagawa ng libreng swab testing sa pamamagitan ng Swab Cabs
Muling magsasagawa ng libreng swab testing ang Office of the Vice President.
Kasunod ito ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Vice President Leni Robredo, muling ibabalik ng OVP ang kanilang Swab Cabs.
Hinikayat din ni Robredo ang publiko na gamitin ang Bayanihan e-Konsulta para sa libreng konsultasyon.
Ito ay para sa mga outpatient cases sa NCR at karatig na mga lugar na walang access sa doktor o telecommunication platforms.
Maaring magpakonsulta gamit ang Bayanihan e-Konsulta Facebook page. (DDC)