Kamara isinailalim sa lockdown para maiwasan ang paglaganap ng COVID-19
Isinailalim sa lockdown ang House of Representatives dahil sa banta ng Omicron variant ng COVID-19.
Ayon kay House Secretary General Mark Llandro Mendoza, ipinatupad ang lockdown sa Batasang Pambansa para maiwasan ang paglaganap ng kaso ng COVID-19.
Layunin din nitong matiyak ang kaligtasan ng mga ng mga miyembro ng Kamara at mga empleyado.
Magbabalik ang operasyon ng Kamara sa susunod na linggo. (DDC)