Rizal, Cavite at Bulacan sasailalim sa Alert Level 3 simula Jan. 5

Rizal, Cavite at Bulacan sasailalim sa Alert Level 3 simula Jan. 5

Simula bukas, January 5, 2022 mas mahigpit na quarantine measures na rin ang ipatutupad sa Rizal, Cavite at Bulacan.

Ayon kay Cabinet Secretary at acting spokesperson Karlo Nograles, itataas na ang Alert Level 3 sa tatlong nabanggit na lalawigan.

Base ito sa rekomendasyon ng sub-Technical Working Group on Data Analytics.

Ito ay dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa nasabing mga lugar.

Mananatili ang Alert Level 3 sa tatlong lalawigan hanggang sa January 15. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *