Mga hindi pa bakunado hindi papayagang lumabas ng bahay sa ilalim ng pag-iral ng Alert Level 3 sa NCR

Mga hindi pa bakunado hindi papayagang lumabas ng bahay sa ilalim ng pag-iral ng Alert Level 3 sa NCR

Nagkasundo ang Metro Manila mayors na magpatupad ng mas mahigpit na alituntunin sa mga hindi pa bakunadong indibidwal.

Kasunod ito ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa na nagresulta sa pagpapatupad ng mas mahigpit na Alert Level 3 sa Metro Manila.

Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, ang mga hindi bakunadong indibidwal ay hindi papayagang lumabas ng kanilang bahay maliban na lamang kung bibili ng essential goods o magtatrabaho.

Hindi rin sila dapat payagan mag-dine in, indoor man o outdoor.

Magmimistulang ECQ aniya ang iiral sa mga hindi pa bakunado.

Apela ni Abalos sa publiko sundin ang alituntunin dahil para din ito sa kanilang kaligtasan.

Base kasi sa datos karamihan sa mga tinatamaan ng Omicron variant ng COVID-19 ay pawang hindi pa bakunado. (DDC)

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *