DOTr magsasagawa ng random antigen testing sa mga pasahero ng MRT at LRT
Bilang bahagi ng mas mahigpit na pagpapatupad ng health measures sa mga rail lines, magsasagawa ng random antigen testing ang Department of Transportation (DOTr) sa mga pasahero ng mga tren.
Ayon kay DOTr Usec. TJ Batan, ang “consenting” at boluntaryo ang pagsasailalim sa antigen test at hindi pipilitin ang mga pasahero.
Ang mga pasaherong papayag magpasailalim sa antigen test ay papayagan din agad na makasakay ng tren matapos ang testing.
Ipadadala na lamang sa kanila ang resulta ng test sa pamamagitan ng text message.
Maliban sa random antigen testing sa mga pasahero, patuloy ding magtatalaga ng train marshals upang magpanatili ng health protocols sa loob ng mga istasyon at sa loob mismo ng tren. (DDC)