Pagbibigay ng 4th doses ng COVID-19 vaccine sisimulan na sa Israel
Uumpisahan na ng pamahalaan ng Israel ang pagbibigay ng 4th dose ng COVID-19 vaccine sa mga mamamayan nilanf edad 60 pataas at mga healthcare workers.
Kasunod ito ng banta ng Omicron variant ng COVID-19.
Inaprubahan ng Israel ang paggamit sa bakuna ng Pfizer at BioNTech para sa pagbibigay ng ikalawang booster shot sa mga senior citizen at mga medical staff.
Tumaas ang kaso ng COVID-19 sa Israel dahil sa mas nakahahawang Omicron variant. (DDC)