Leisure travel sa Baguio City suspendido muli

Leisure travel sa Baguio City suspendido muli

Sinuspinde muli ang leisure travel sa Baguio City dahil sa banta ng Omicron variant ng COVID-19.

Ayon sa inilabas na abiso ng Baguio City Public Information Office, hindi na muli papayagan ang leisure travel requests sa ilalim ng kanlang Baguio Visitor Information and Travel Assistance o Baguio VISITA.

Lahat ng mga naaprubahan nang leisure travel ay kikilalanin pa rin naman at papayagang makapasok sa lungsod salig sa kanilang travel date.

Kailangan lamang nilang sumailalim sa mandatory triage.

Lahat ng pending requests ay considered nang rejected. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *