115 na COVID-19 patients naka-admit sa PGH
Umabot na sa 115 ang bilang ng mga pasyenteng may COVID-19 na naka-admit sa Philippine General Hospital (PGH).
Sa datos mula sa PGH, maliban sa 115 na COVID-19 positive, mayroon ding isang COVID-19 suspect na naka-admit sa pagamutan.
Mabilis ang naging paglobo ng COVID-19 admission sa PGH dahil noon lamang December 25 at 29 na pasyente lamang na may COVID-19 ang naka-admit sa pagamutan.
Sa kabuuan, simula noong February 3, 2020 ay umabot na sa 7,574 na COVID-19 patients ang na-admit sa PGH. (DDC)