Mild na sintomas hindi dapat ipagwalang-bahala ayon sa DOH

Mild na sintomas hindi dapat ipagwalang-bahala ayon sa DOH

Umapela ang Department of Health (DOH) sa publiko na huwag ipagsawalang-bahala kung makararanas ng mild na sintomas ng COVID-19.

Ayon sa DOH, ang mild lamang ang sintomas na naidudulot ng Omicron variant ng COVID-19 lalo na kung ang tatamaan nito ay bakunado na.

Pero ang mga mayroong mild na sintomas ay mabilis pa ring makahahawa lalo na kung hindi nasusunod ang minimum public health standards.

Apela ng DOH, kung na-expose sa isang COVID-19 patient, agad magpasailalim sa test.

Habang naghihintay ng resulta ng test, dapat ding agad mag-isolate. At kung magpopositibo sa COVID-19, kailangang sundin ang 10-days quarantine. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *