Pasok sa Korte Suprema suspendido ng tatlong araw; maraming court personnel ang nagpositibo sa antigen test

Pasok sa Korte Suprema suspendido ng tatlong araw; maraming court personnel ang nagpositibo sa antigen test

Suspendido sa loob ng tatlong araw ang pasok sa Korte Suprema.

Sa nilagdaang memorandum order ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo, marami sa mga court personnel ang nagpositibo sa isinagawang antigen testing noong December 27, 2021.

Sa isinagawa ring contact tracing, ang mga nagpositibo sa antigen test ay nagkaroon ng close physical contact sa iba pang empleyado ng SC.

Dahil dito, nagpasya ang Supreme Court En Banc na suspendihin ang pasok sa SC mula January 3 hanggang 5.

Ito ay para makapagsagawa pa ng testing sa iba pang empleyado ng korte.

Magsasagawa din ng disinfection sa buong SC premises.

Itutuloy naman ang nakatakdang booster vaccination araw ng Lunes, Jan. 3 at ang En Banc session sa Martes, Jan. 4. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *