Mahigit 100 OFWs na nagpositibo sa COVID-19 dinala sa COVID-19 Field Hospital

Mahigit 100 OFWs na nagpositibo sa COVID-19 dinala sa COVID-19 Field Hospital

Dinala sa Manila COVID-19 Field Hospital ang humigit-kumulang na 100 Overseas Filipino Workers (OFWs) na umuwi sa bansa at nagpositibo sa sakit na COVID-19.

Sinalubong ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang 104 OFWs mula sa iba’t ibang bansa.

Ayon kay Domagoso, libre ang pananatili ng mga OFW sa nasabing quarantine facility.

Ito aniya ang simpleng pagtanaw ng utang na loob para sa mga OFWs na siyang nagbibigay ng malaking tulong para sa ekonomiya hindi lamang sa Lungsod ng Maynila kung hindi maging sa buong bansa.

“Ito ay ang aming pagpapasalamat sa inyo. Alam ko mahirap maging OFW, of all the things and challenges of being an OFW, tapos there is a threat and stress on your job,” ani Domagoso.

Kasama ni Domagoso sina Department of Health Secretary Francisco Duque III, Chief Implementer Sec. Carlito Galvez Jr, Bureau of Quarantine Director Dr. Obet Salvador, at Taguig Mayor Lino Cayetano sa nasabing pagsalubong.

Sinigurado naman ni Domagoso ang mga pamilya ng OFWs na ang kanilang mga mahal sa buhay ay nasa mabuting kamay ni Dr. Arlene Dominguez na siyang pinuno ng Manila COVID-19 Field Hospital.

Ang Manila COVID-19 Field Hospital ay may 344 na bed capacity at may mga libreng serbisyo hatid sa mga pasyente katulad ng X-ray, oxygen tanks, mga gamot, pagkain, wifi, at aircon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *