Halaga ng pinsala sa agrikultura ng Typhoon Odette umakyat na sa P9B

Halaga ng pinsala sa agrikultura ng Typhoon Odette umakyat na sa P9B

Umabot na sa 9 billion pesos ang halaga ng pinsala ng Typhoon Odette sa mga pananim.

Batay sa update mula sa Department of Agriculture (DA), umabot sa mahigit 132,000 na mga magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ng bagyo.

Mahigit P1.9 billion ang halaga ng pananim na palay ang nasira, habang P415.2 million na halaga ng panamin na mais ang nawasak din.

Kabuuang 351,932 na ektarya ng mga pananim ang nasira.

Mayroon ding naapektuhang mahigit 1.3 million na alagang hayop gaya ng manok, swine, baka, kalabaw, kambing, bibe, tupa at kabayo na aabot sa P350.8 million ang halaga.

Naglaan na ang DA ng P1 billion na halaga sa ilalim ng kanilang Quick Response Fund para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar.

Namahagi na rin ng mga rice seeds, corn seeds, mga gulay at fingerlings sa mga naapektuhan. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *