Pasok sa mga tanggapan ng DepEd at mga public school ngayong araw hanggang 12NN lang
Maagang pauuwiin ang mga empleyado ng Department of Education (DepEd) ngayong araw, Dec. 31 bisperas ng Bagong Taon.
Sa inilabas na memorandum ni DepEd Sec. Leonor briones, alas 12:00 ng tanghali ay suspendido na ang pasok sa lahat ng DepEd offices at mga eskwelahan sa buong bansa.
Ito ay para mabigyan sila ng pagkakataon na makapiling ang kanilang pamilya sa pagsalubong sa Bagong Taon. (DDC)