Mahigit 48.6 million na katao fully-vaccinated na kontra COVID-19

Mahigit 48.6 million na katao fully-vaccinated na kontra COVID-19

Umabot na sa mahigit 48.6 million ang fully-vaccinated na laban sa COVID-19.

Katumbas ito ng 63.06 percent ng target population sa bansa.

Batay sa National COVID-19 Vaccination Dashboard na iprinisinta ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Sec. Karlo Nograles sa kaniyang virtual press briefing, umabot na sa 107,277,506 ang total vaccine administered sa bansa.

Sa nasabing bilang, 57,015,843 ang nabakunahan na ng first dose at 44,745,211 ang nabigyan ng second dose.

Habang mayroong 3,901,947 na tumanggap ng single dose na bakuna ng Janssen.

Sa kabuuan ayon sa datos, 48,647,158 na ang fully-vaccinated.

Umabot naman na sa 1,614,505 na katao ang nabigyan na ng booster doses ng COVID-19 vaccine. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *