Mga bagong spare parts para sa MRT-3 dumating sa bansa

Mga bagong spare parts para sa MRT-3 dumating sa bansa

Dumating na sa MRT-3 depot ang bagong supply ng spare parts na binubuo ng mga kritikal na piyesa ng tren tulad ng pantograph, speedometer, at MESSMA card.

Ang pantograph ay ang aparato sa taas ng tren na responsable sa pagkolekta ng kuryenteng nagpapatakbo rito sa pamamagitan ng overhead wire.

Ang speedometer ay ginagamit upang matukoy at makontrol ang bilis ng tren.

Samantala, ang MESSMA card ay kahalintulad ng isang black box ng eroplano, kung saan naire-record ang bilis ng takbo at pag-break o hinto ng tren.

Ang mga piyesang ito ay ginagamit sa pagmimintina at overhauling ng mga bagon ng MRT-3, sa pamamagitan ng maintenance provider ng linya.

Sa kasalukuyan, nasa 38 sa kabuuang 72 na bagon ng MRT-3 ang na-overhaul at nai-deploy na sa mainline ng pamunuan ng linya. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *