Mahigit 2 million doses ng Astrazeneca vaccines dumating sa bansa
Dumating sa bansa ang karagdagang 2,005,300 doses ng Astrazeneca vaccines na binili ng private sector sa pamamagitan ng “A Dose of Hope” program.
Ang mga bakuna ay dumating sa NAIA Terminal 1, Martes (December 28) ng umaga.
Sinalubong nina Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion at National Task Force (NTF) Against COVID-19 Chief Implementer and vaccine czar Secretary Carlito G. Galvez, Jr. ang mga bagong dating na bakuna. Ayon kay Galvez, inaasahang aabot na sa 210 million COVID-19 vaccines ang matatanggap ng bansa sa katapusan ng taon.
Pinasalamatan din ni Galvez ang mga LGU sa patuloy na pagsasagawa ng vaccination program.
Ani Galvez, noong Lunes umabot sa 900,000 na katao ang nabakunahan kontra COVID-19. (DDC)