Mahigit 47 million na katao fully-vaccinated na kontra COVID-19

Mahigit 47 million na katao fully-vaccinated na kontra COVID-19

Umabot na sa mahigit 47 million ang fully-vaccinated na laban sa COVID-19.

Katumbas ito ng 62.05 percent ng target population sa bansa.

Batay sa National COVID-19 Vaccination Dashboard na iprinisinta ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Sec. Karlo Nograles sa kaniyang virtual press briefing, umabot na sa 106,290,941 ang total vaccine administered sa bansa.

Sa nasabing bilang, 56,945,751 ang nabakunahan na ng first dose at 43,995,422 ang nabigyan ng second dose.

Habang mayroong 3,865,522 na tumanggap ng single dose na bakuna ng Janssen.

Sa kabuuan ayon sa datos, 47,860,944 na ang fully-vaccinated.

Umabot naman na sa 1,484,246 na katao ang nabigyan na ng booster doses ng COVID-19 vaccine. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *