Nasawi sa pananalasa ng Typhoon Odette umakyat na sa 397 – NDRRMC

Nasawi sa pananalasa ng Typhoon Odette umakyat na sa 397 – NDRRMC

Tumaas pa sa 397 ang bilang ng nasawi sa Typhoon Odette.

Sa datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nakapagtala din ng 1,147 na nasugatan dahil sa bagyo.

Habang mayroon pang 83 na nawawala.

Ayon sa NDRRMC, umabot sa mahigit 1 milyong pamilya o mahigit 4.2 milyon na katao ang naapektuhan ng bagyo.

Sa nasabing bilang mahigit 305,000 na katao pa ang nananatili sa mga evacuation center.

Nakapagtala din ng mahigit 508,000 na mga bahay na nasira ng bagyo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *