Halaga ng pinsala sa agrikultura ng Typhoon Odette umakyat na sa P6B
Umabot na sa 6 billion pesos ang halaga ng pinsala ng Typhoon Odette sa mga pananim.
Batay sa update mula sa Department of Agriculture (DA), umabot sa mahigit 68,900 na mga magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ng bagyo.
Mahigit P1.9 billion ang halaga ng pananim na palay ang nasira, habang P186.6 million na halaga ng panamin na mais ang nawasak din.
Kabuuang 288,677 na ektarya ng mga pananim ang nasira.
Mayroon ding naapektuhang mahigit 605,000 alagang hayop gaya ng manok, swine, baka, kalabaw, kambing, bibe, tupa at kabayo na aabot sa P211.8 million ang halaga.
Naglaan na ang DA ng P1 billion na halaga sa ilalim ng kanilang Quick Response Fund para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar.
Namahagi na rin ng mga rice seeds, corn seeds, mga gulay at fingerlings sa mga naapektuhan. (DDC)