Tinaguriang “Magsasakang Reporter” ginawaran ng “Galing Inventrepinoy Award 2021” ng DOST at FISPC

Tinaguriang “Magsasakang Reporter” ginawaran ng “Galing Inventrepinoy Award 2021” ng DOST at FISPC

Kinilala ng Department of Science and Technology (DOST) at Filipino Inventors Society Producer’s Cooperative (FISPC) ang mahalagang nai-ambag ng tinaguriang “Magsasakang Reporter” sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa mga kababayang Pilipino ngayong panahon ng Pandemya.

Ang pagkilala at pagbibigay ng award sa Magsasakang Reporter na si Mer Layson ay ginawa noong nakalipas na December 13, kasabay ng pagdiriwang ng 2021 National Inventor’s Week sa DOST main office, Taguig City.

Ang tema ng pagdiriwang ay “Inventrepinoys Unfazed in the Face of Pandemic”. Paano hinarap ang hamon ng buhay at nagtagumpay sa gitna ng Pandemya.

Ang awards day ay personal na dinaluhan nina DOST Sec. Fortunato Dela Pena, DOST Undersecretary Engr.Sancho Mabborang, DOST NCR Dir. Jose Patalinjug III, DOST Region 2 officials, Ka Popoy Pagayon Chairman ng FISPC at mga opisyal at miyembro ng FISPC at marami pang iba.

Taos puso naman ang pasasalamat ng Magsasakang Reporter sa pamunuan ng DOST at FISPC.

Ayon sa Magsasakang Reporter, alay niya sa kanyang pamilya, readers at viewers ang awardl at pagkilala sa kanya ng DOST at FISPC.

“Nais kong magpuri sa Panginoon Jesus dahil sa kaloob niyang mga biyaya, gabay, grasya at pagpapala” ani Layson

Taos-puso din nagpapasalamat si Layson sa kanyang Pamilya at sa lahat ng tumatangkilik, nagbabasa ng kanyang Kolum sa PSN, Nanonood ng kanyang TV Show na Masaganang Buhay sa OnePh Cignal TV, Channel 1 ng TV-5, Radyo Singko 92.3 News FM at 370,000 Subscriber ng Ang Magsasakang Reporter Youtube Channel at 18-milyong nanonood ng kanyang ginagawang pagtuturo ng pagtatanim ng iba’t-ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng Organilong pamamaraan”.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *