P10,000 na insentibo para sa mga empleyado ng gobyerno inaprubahan na ni Pangulong Duterte
Good news para sa mga empleyado ng gobyerno!
Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Administrative Order number 45 na magbibigay ng P10,000 na one-time service recognition incentives sa mga nagtatrabaho sa gobyerno.
Kasamang mabibigyan ng P10,000 na incentives ang mga sumusunod:
– Civilian personnel na nasa national government agencies, kasama na ang mga nasa state universities at colleges at government-owned or -controlled corporations
– Military personnel ng Armed Forces of the Philippines
– uniformed personnel ng Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, Bureau of Corrections, Philippine Coast Guard, National Mapping and Resource Information Authority.
Sakop ng insentibo ang mga civilian personnel na regular, contractual, o casual positions at nanatili sa government service ng hanggang Nov. 30.
Dapat ding nakapagbigay na ng serbisyo ng apat na buwan hanggang Nov. 30.
Para sa mga personnel na nakapagbigay ng serbisyo ng hindi umabot ng apat na buwan, makatatanggap pa din sila ng pro-rated share mula 10% hangga 40% depende sa tagal ng kanilang serbisyo.
Kasama din sa makakakuha ng P10,000 na insentibo ang mga empleyado ng Legislative at Judicial Departments gaya ng Senado, Kamara, Judiciary, Office of the Ombudsman, at Constitutional Offices na may fiscal autonomy. (Faith Dela Cruz)