Cash donations na nalikom ng Red Cross para sa mga naapektuhan ng Typhoon Odette umabot na sa mahigit P18M
Nakalikom na ng mahigit P18 million ang Philippine Red Cross (PRC) para sa mga napinsala ng Typhoon Odette.
Ayon sa Red Cross, hanggang araw ng Lunes, Dec. 27 ay umabot na sa P18,043,822 ang nalikom na cash donations.
Lahat ng donasyong ito ayon sa Red Cross ay gagamitin para matulungan ang mga napinsala ng bagyong Odette.
Maari pa ring magpadala ng tulong sa pamamagitan ng Emergency Appeal ng Red Cross. (DDC)