Tatlong weather system nakaaapekto sa bansa – PAGASA
Tatlong weather system ang umiiral at nakaaapekto sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ayon sa PAGASA, apektado ng Shear Line anf Visayas at Northeastern Mindanao.
Intertropical Convergence Zone naman o ITCZ ang umiiral sa Palawan at iba pang bahagi ng Mindanao, habang Amihan naman sa nalalabing bahagi ng Luzon
Sa weather forecast ng PAGASA ngayong araw ng Martes (Dec. 29) makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Eastern Visayas, Central Visayas, Caraga, Northern Mindanao, Albay, Sorsogon, Masbate, Aklan, at Capiz dahil sa Shear Line.
Ganitong lagay ng panahon din ang mararanasan sa Palawan at nalalabing bahagi ng Mindanao dahil sa ITCZ.
Sa Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Ifugao, Mountain Province, Aurora, Quezon, at sa nalalabing bahagi ng MIMAROPA at Bicol Region, maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan ang mararanasan dahil sa Amihan.
Habang Amihan din ang magdudulot ng isolated na mahinang pag-ulan sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng Luzon.
Nagbabala ang PAGASA ng posibleng flash floods o landslides sa mga lugar na makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan. (DDC)