BREAKING: DOH nakapagtala ng 318 na bagong kaso ng COVID-19
Nakapagtala ng 318 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Lunes, Dec. 27 ay 2,838,792 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 2,778,002 ang gumaling o katumbas ng 97.9 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 255 na gumaling.
9,579 ang active cases o katumbas ng 0.3 percent.
Nasa 51,211 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.80 percent makaraang makapagtala ng 11 pang pumanaw. (DDC)