PLDT, Smart humingi ng paumanhin sa pagbagal ng internet service sa ilang apps at websites
Humingi ng paumanhin ang PLDT at Smart sa kanilang subscribers dahil sa nararanasang problema sa internet service.
Ayon sa absiso ng dalawang kumpanya, ilang apps at websites ang mabagal ang loading.
Nagkaroon umano ng isyu sa isa sa international cable systems na nagseserbisyo sa PLDT at Smart.
Nakikipag-ugnayan na ang PLDT at Smart sa kanilang partners para matugunan ang problema. (DDC)