Paalala ng DTI: Bawal ang pagtataas ng presyo ng bilihin sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity

Paalala ng DTI: Bawal ang pagtataas ng presyo ng bilihin sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity

Naglabas ng paalala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga negosyante sa mga lugar na nakasailalim sa state of calamity.

Ayon sa abiso ng DTI, bawal ang overpricing at price hikes sa mga rehiyon na nasa state of calamity gaya ng MIMAROPA, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao at CARAGA.

Sinabi ng DTI na labag sa Republic Act 7581 o ‘Price Act’ kung magtataas ng presyo ng bilihin sa nasabing mga lugar.

Habang nakasailalim sa state of calamity ang mga apektadong lugar, kontrolado dapat ang presyo ng bilihin para matiyak din ang availability ng mga basic good at commodities.

Pinayuhan ng DTI ang mga consumers na makipag-ugnayan sa ahensya kung sakaling may mamo-monitor na pagtaas ng presyo.

Tiniyak ni DTI Usec. Ruth Castelo na mapapatawan ng parusa ang mga establisyimento na lalabag sa price freeze.

Maaring magreklamo sa sumusunod:

1-384 toll-free hotline
consumercare@dti.gov.ph
http://www.dti.gov.ph/konsyumer/complaints

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *