DOH hindi na maglalabas ng daily case bulletin ng COVID-19 simula January 1, 2022

DOH hindi na maglalabas ng daily case bulletin ng COVID-19 simula January 1, 2022

Simula sa January 1, 2022 ay ititigil na ng Department of Health (DOH) ang pagpapalabas ng daily case bulletin ng COVID-19.

Ang nasabing case bulletin ay inilalabas ng DOH tuwing alas 4:00 ng hapon, araw-araw.

Sa virtual press briefing ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, simula January 1, 2022 ang update tungkol sa COVID-19 ay maari na lamang makuha sa COVID-19 tracker sa website ng kagawaran.

Ayon sa DOH ang COVID-19 daily case updates ay maari naa lamang ma-access sa http://www.doh.gov.ph/covid19tracker tuwing alas 4:00 din ng hapon.

Laman ng nasabing public tracker ang lahat ng impormasyon na inilalabas din sa daily case bulletin.

Sinabi ng DOH na para sa streamlining ng public communication, hindi na mag-iisyu ng case bulletin at daily situation report sa social media. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *