DOH nakapagtala na ng 19 na fireworks-related injuries

DOH nakapagtala na ng 19 na fireworks-related injuries

Umabot na sa labingsiyam ang naitatalang fireworks-related injuries ng Department of Health (DOH).

Ayon sa DOH, ang nasabing datos ay mas mataas ng 58 percent kumpara sa naitalang kaso sa kaparehong petsa noong 2020 na labingdalawang kaso lamang.

Gayunman, ang datos ngayong taon ay mas mababa ng 67 percent kumpara sa five-year average.

Ayon sa DOH, lahat ng 19 na naitalang nasugatan ay dahil sa paputok.

Wala pang naitatalang kaso ng fireworks ingestion at stray bullet injury.

Wala pa ring naitatalang nasawi.

Karamihan sa mga nasugatan ay gumamit ng ilegal o ipinagbabawal na paputok gaya ng Boga (6 cases) at Piccolo (3 cases).

Patuloy na hinikayat ng DOH ang publiko na ligtas na salubungin ang Bagong Taon at iwasan ang gumamit ng paputok. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *