Bilang ng nai-deploy na newly-overhauled train cars sa MRT-3, umabot na sa 38

Bilang ng nai-deploy na newly-overhauled train cars sa MRT-3, umabot na sa 38

Umabot na sa 38 ang bilang ng newly-overhauled light rail vehicles o LRVs na na-ideploy ng pamunuan ng MRT-3 sa mainline, matapos itong madagdagan ng isa pa ngayong Disyembre 2021.

Nai-deploy ang bagong overhaul na LRV o train car matapos sumailalim sa tagumpay na serye ng mga quality checks at speed tests.

Sa kasalukuyan, 34 na lamang sa 72 na bagon ng MRT-3 ang naka-schedule na mai-overhaul.

Ang isang tren ay binubuo ng tatlong bagon. Nasa 17 hanggang 21 tren ang tumatakbo sa kasalukuyan sa mainline.

Ang general overhauling ng mga bagon ng MRT-3 ay bahagi ng malawakang rehabilitasyon ng linya.

Nananatili ring nasa 70% ang passenger capacity ng mga tren, na may katumbas na 276 na pasahero kada train car, 827 na pasahero kada train set. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *