Pamahalaan pinaghahandaan na ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga edad 5 hanggang 11
Naghahanda pa ang pamahalaan para sa pormal na pagsisimula ng pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga batang edad 5 hanggang 11.
Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi pa nagsisimula ang vaccination sa mga batang mas mababa sa 12 ang edad.
Ayon sa DOH, iaanunsyo ng National Vaccination Operations Center (NVOC) ang eksaktong petsa ng pagsisimula ng pagbabakuna sa nasabing age group.
Ito ay sa sandali ring maging available na ang tamang bakuna para sa kanila.
Habang hinihintay ito, hinikayat ng DOH ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa iba pang sakit gaya ng tigdas, rubella, tetanus at diphtheria. (DDC)