Quezon Memorial sa QC idineklara bilang National Cultural Treasure

Quezon Memorial sa QC idineklara bilang National Cultural Treasure

Idineklara ng National Museum of the Philippines ang Quezon Memorial Shrine sa Quezon City bilang National Cultural Treasures.

ito ang pinakamataas na government distinction na ibinibigay para sa isang cultural property.

Sa ilalim ng Republic Act 10066 o National Cultural Heritage Act of 2009 inilalarawan ang National Cultural Treasure bilang “unique cultural property found locally, possessing outstanding historical, cultural, artistic and/or scientific value which is highly significant and important to the country and nation.”

Ang Quezon Memorial na idinesenyo ni Arch. Federico Ilustre ng dating Bureau of Public Works ay dedicated para kay dating Pangulong Manuel Luis M. Quezon.

Mayroon itong museum sa ibaba at nagsisilbing mausoleum ng dating pangulo at kaniyang asawa na si Aurora.

Nagpasalamat naman si QC Mayor Joy Belmonte sa National Museum of the Philippines para sa natatanging pagkilala.

Bukas ang museum na nasa Quezon Memorial Circle tuwing Martes at Sabado mula 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.

Ang Quezon Memorial ang ikalawang National Cultural Treasure sa Quezon City.

Noong 2012, ang imahen ni Our Lady of the Most Holy Rosary, La Naval de Manila, Sto. Domingo sa Sta. Mesa Heights ay idineklara ding National Cultural Treasure. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *