Pitong mangingisdang Tsino nawawala sa bahagi ng Pag-asa Island

Pitong mangingisdang Tsino nawawala sa bahagi ng Pag-asa Island

Nagsasagawa ng search and rescue operations ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Pag-asa Island para mahanap ang nawawalang pitong mangingisdang Tsino.

Idineploy ng Coast Guard ang BRP Capones at dalawang PCG-manned BFAR vessels para maghanap sa mga nawawalang Chinese fishermen.

Ang mga dayuhan ay lulan ng Fishing Boat na “Taisha 2985” nang sila ay mawala sa karagatang sakop ng Pag-asa Island.

Humingi ng tulong ang Chinese Embassy sa PCG matapos mabigo ang Chinese Coast Guard na mahanap ang mga mangingisdang Tsino na dalawang linggo nang nawawala.

Nagpalabas na rin ng notice to mariners ang PCG sa lahat ng barkong naglalayag sa Palawan partikular sa Kalayaan Island Group na agad i-report sa Coast Guard kung mamamataan ang mga nawawalang dayuhan. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *