Halaga ng pinsala sa agrikultura ng Typhoon Odette umakyat na sa P3.6B
Umabot na sa mahigit 3.6 billion ang halaga ng pinsala ng Typhoon Odette sa mga pananim.
Ayon sa update mula sa Department of Agriculture (DA), umabot sa mahigit 47,000 na mga magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ng bagyo.
Mahigit P1.7 billion ang halaga ng pananim na palay ang nasira, habang P120.9 million na halaga ng panamin na mais ang nawasak din.
Kabuuang 67,573 na ektarya ng mga pananim ang nasira.
Mayroon ding naapektuhang mahigit 600,000 alagang hayop gaya ng manok, swine, baka, kalabaw, kambing, bibe, tupa at kabayo.
Naglaan na ang DA ng P1 billion na halaga sa ilalim ng kanilang Quick Response Fund para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar.
Namahagi na rin ng mga rice seeds, corn seeds, mga gulay at fingerlings sa mga naapektuhan. (DDC)