Mahigit 39,000 na mga pasahero bumiyahe sa mga pantalan ayon sa Coast Guard
Mahigit 39,000 na mga pasahero ang naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) na bumiyahe sa mga pantalan.
Sa isinasagawang monitoring ng Coast Guard sa ilalim ng kanilang Oplan Biyahe Ayos: Pasko 2021, may naitalang 19,165 na outbound passengers at 20,659 inbound passengers maghapon ng Huwebes (Dec. 23).
Umabot din sa 253 na barko at 278 na motorbanca ang naisailalim sa inspeksyon ng Coast Guard.
Mayroong 1,692 na mga tauhan ng Coast Guard ang nakatalaga sa mga pantalan. (DDC)