FDA binigyan na ng emergency use authorization ang COVID-19 vaccine ng Pfizer para magamit sa mga edad 5 hanggang 11

FDA binigyan na ng emergency use authorization ang COVID-19 vaccine ng Pfizer para magamit sa mga edad 5 hanggang 11

Pinagkalooban na ng emergency use authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA) ang COVID-19 vaccine ng Pfizer para magamit sa mga batang edad 5 hanggang 11.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni FDA director general Eric Domingo na matapos ang isinagawang review sa technical documents at evaluation sa rekomendasyon ng US FDA, nagdesisyon ang mga eksperto na aprubahan ang EUA ng Pfizer.

Sinabi ni Domingo na ang Pfizer ay mayroong 90.7 percent na efficacy para sa nasabing age group

Mild lamang din aniya ang mga naitalang adverse events sa isinagawang clinical trials.

Ani Domingo, kailangang bumili ng pamahalaan ng hiwalay na bakuna ng Pfizer para sa mga edad 5 hanggang 11 dahil iba ang dosage ng para sa mga bata kumpara sa ginagamit na ngayong Pfizer COVID-19 vaccines sa bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *